- Quarterly forum to talk on Jesus, consecrate youth to Immaculate Heart of MaryPosted 20 days ago
- Sports fest promotes camaraderie among youth ministersPosted 26 days ago
- Young people as advocates of environmentPosted 26 days ago
- Hundred youth join annual parish sports festPosted 26 days ago
- Antipolo holds sports fest for social growth, youth fellowshipPosted 26 days ago
- Youth volunteers engage in some ‘prayerful pollwatching’Posted 35 days ago
- I found the surest way to Jesus!Posted 41 days ago
- Davao youth animators gather for workshopPosted 43 days ago
- More than a thousand individuals consecrated to Mary Mediatrix during pilgrimagePosted 44 days ago
- ‘Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization.’Posted 52 days ago
Buhay Newsletter
Nagtext na naman si Nirva, nagtatanong kung pwede akong magsulat tungkol sa pagsusulat. Sabi ko naman “Nirva, masyado atang mabilis. Pwede bang dinner and movie muna bago tayo magka-personalan?
Ang sagot lang n’ya ay “no.” Sabi ko sige na nga, magkukukwento na lang ako tungkol sa aking panahon bilang kabahagi ng ilang mga newsletter sa aking dating youth org.
Para sa akin, ang pagsusulat sa newsletter ay kalebel ng pagiging isang janitor. Nag-uumpisa ang trabaho pagkatapos ng event na pinuntahan o interbyu ng isang taong nakapanayam.
Oo, kailangan ‘yun upang magkaroon ng pananaw sa iyong paksa. Ngunit pagkatapos ay saka mo lamang titipunin ang iyong mga kalat-kalat na ideya upang gawin itong isan buong artikulo na magkakarooon ng saysay sa mga mambabasa.
Sisihin natin si Nirva, sya ang nagtulak sa akin na magsulat para sa aming religious org. Bukod pa dun, pakiramdam ko’y sya rin ang dahilan ng pagkamatay ng mga dinosaurs.
Sapagkat pananaliksik ang aking nakahiligan, mas nagustuhan kong magsulat ng features. Walang time pressure ‘di kagaya sa news na ang buhay ay kasing bilis lamang ng lumpiang ubod. Nakakain ka na ba ng lumpiang ubod pagkatapos maiwan sa mesa ng isang buong gabi? Kamusta CR? Tandaan na ‘di ko pa nahahasa ang pagsusulat ng humor sa mga panahon na ito.
Ang pinaka ‘di malilimutang karanasan ko sa pagsusulat ay ang sumusunod:
Para sa unang labas ng newsletter sa main office, natoka sa akin ang pag cover sa isang proyekto na medyo nagiging sikat nang panahong ito.
May national conference noon at habang nasa meeting area ang karamihan, ako nama’y kumakaladkad ng mga kasama para puntahan namin ang isang project site malapit sa lugar. “Masaya to!” sabi ko sa kanila, tumingin lang sila sa akin na parang may topak na naman ako.
Bumisita kami sa site, naramdaman ko ang konsepto ng tunay na pagtulong sa kapwa, at ang pagtulong naman ng mga taong ito sa kanilang sarili. Marami kaming nakilalang mga kasama, mga tour guides, beneficiaries at iba pa.
Ganado akong nagsulat ng aking artikulo. Sa sobrang kagustuhang may magbasa sa akin, ginamitan ko ‘to ng kung anu-anung literary devices para magmukhang importante ang sasabihin ko. Nag-double narrative format ako sa aking introspective personal essay with a poetic title, tambling, cartwheel, pagkain ng apoy at jump into splits.
Awa ng Diyos lumabas din ang aking heavily-edited article.
Ilang buwan pa ang nakaraan pagkatapos lumabas ang artikulo, mas lumago ang proyekto, ngayon may totoong media coverage na sila, dumami rin ang mga lugar kung saan matatagpuan ang proyekto at minsan pa nga pumupunta kami sa ibang sites para mag-volunteer.
Bilang isa sa pinaka-unang nagsulat tungkol sa proyekto, malaki ang galak ang naramdaman ko sa paglago nito. Noong lumabas ang artikulo, wala pa masyadong nakakaalam sa project. Pakiramdam ko ito’y isang malaking sikreto ng community. Na ako’y nabibilang sa iilang mga taong pinalad malaman ang sikretong ito, na ang tanging balik ko lamang ay ang pagbabahagi ko sa sikretong ito sa mga mambabasa.
Ilang taon pa ang nakaraan, ako nama’y grumadweyt na ng kolehiyo at naghanap ng aking pagtutungtungan sa mundo. Tinanggap ko ang muling maging volunteer sa pamamagitan ng blog na ito. Ayoko namang mawala sa sirkulasyon ng mga religious organizations, pero di ko alam kung paano ako magsisilbi muli sa matagal na panahong nawala ako. Kaya heto ngayon, nagpapatawa ako — parang isang payaso sa loob ng simbahan.
(Hindi mo alam kung bakit s’ya nandun o na pwede pala itong mangyari, pero gusto mo lang ngumiti pag
nakita mo ang penomenon na ito.)
Sisihin n’yo si Nirva, s’ya ang dahilan sa pagkamatay ng mga dinosaurs.
Resident blogger: Nathan X
Si Nathan X (hindi nya tunay na pangalan) ay isang tao. Mahilig s’yang magsulat ng kung anu-ano. Kahit na hindi na active, mahilig pa rin s’yang mangulit sa mga kaibigang nakilala n’ya habang nagsisilbi dati sa mga religious orgs.
May email sya, r dot jonathan dot x44 at gmail dot com





![[Photo Credit: corbis.com]](http://youthpinoy.com/wp-content/uploads/2012/09/writer.jpg)











Guilian Geronimo
September 27, 2012 at 1:29 am
Laging napag-iinitan si Nirva… kapansin-pansin lang.
NAthan X
September 27, 2012 at 4:30 am
Ay naku, wala yan. Matagal ko nang ginagawa kay nirva yan. Sya ang straight (wo)man sa mga artikulo ko dito, aka tagasalo ng mga jokes. Dami pa kong bala. Pag nag-bonding tayo ikukwento ko ang mga boyfriends nyan, pati ang aksidenteng pagkakasali at pagkapanalo nya sa isang beauty contest.
Guilian Geronimo
September 27, 2012 at 7:41 am
huwag kang mag-alala, lagi rin akong kinukulit niyang nilalang este taong iyan.
Nagkataong mas makulit ako ng dalawang buhos ng tubig diyan pero minsan nakakalamang din siya.
YP
September 28, 2012 at 2:12 am
and who is that nilalang?
Nathan X
September 28, 2012 at 2:44 am
Ikaw. Nirva. Unless si Bishop ang gumagamit ng YP account?
YP
September 28, 2012 at 4:25 am
hahaha..touche.
Guilian Geronimo
September 28, 2012 at 1:17 pm
easy lang