Bakit hindi cool ang Rolling Stones’ cover story tungkol kay Pope

Sa mga nag-aakalang ito ay isang review doon sa isang cover article ng “Rolling Stone Magazine” na si Papa Francesco ang pabalat, na tila may pagkapabalang kay Papa Benedetto XVI dahil sa pamagat ng blog na ito na pangalan din ng isang awitin ng bandang “Rolling Stones”; aba’y akalain niyong tama kayo sa inaakala niyo! Kaya’t sisimulan ko ito sa muling pagpapakilala ko sa sarili ko sa mga hindi pa nakakakilala sa akin.

[Photo credit: rollingstones.com]

[Photo credit: rollingstones.com]

Una: ako’y Katoliko. At bilang Katoliko, ang pagkakakilala ko sa Inang Simbahan ay isa itong “politically-centrist” na institusyon sa kadahilanang Siya’y parating pumapagitna sa kasaysayan at kaunlaran, kaya bago Siya magbigay ng rekomendasyon at aral sa madlang-faithful, siguradong napagnilayan Niya ito kaya buo at walang gatol. Bilang Universal Church, hindi Siya naiiwan sa isang pahina ng kasaysayan, ngunit hindi lahat ng pagbabago sa lipunan ay kanyang niyayakap.

Kaya naman, ang Inang Simbahan, sa aking lantay na pagkakaunawa sa kanyang higit dalawang libong taon na kasaysayan at pag-iral, ay hindi “conservative” at lalong hindi “liberal.” “Her conservativity and/or liberality is really not Hers, but is only limited to Her people,” ika nga.

Ikalawa: sa biyaya ng malayang kaisipan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos na Siyang lumikha ng lahat ng ating naaarok at hindi maarok, maitatangi ko ang aking sarili bilang “slightly liberal person” sa kadahilanang tanggap ko ang pagbabago, ngunit marami rin akong pinapahalagahang kustumbre at tradisyon ng Inang Simbahan.

Sa ganitong mga paglalarawan, ito ang reaksyon ko sa nasabing babasahin: masyadong palasak ang pagkakagawa.

Sa isang talata, may nakasulat na “according to my juicy Vatican insider source” na parang ang dating ay showbiz reporter lang na nagpapalaki ng network war dahil may nabugbog na dancer. Uh… Iyong nangyari sa isang condo sa BGC ay ibang usapan na’t ayaw ko nang makisawsaw kung pwede lang…. Anyway, digz niyo naman ‘yung ibig kong sabihin diba? Parang ganoon kasi ang pagkakaprisinta kaya noong nagbigay si Abp. Soc na bossing ng CBCP ng kanyang saloobin na ang naturang article ng Rolling Stones”lacked charity by giving hype to Pope Francis at the expense of Pope Benedict XVI” ay wala na akong itulak-kabigin pa.

Ang isa ko pang napansin ay “politically-motivated” ang pagkakatala. Sa mga hindi masyadong pamilyar sa kalakarang pulitika’t eleksyon sa Estados Unidos, panahon na ito ng tinatawag na “primary elections” dahil sa 2016 ay tapos na ang termino ng kanilang pangulo kaya’t panahon na ng paghahanap ng kandidato sa dalawang malalaking partido sa kanila. Ang “primary elections” ay ang panahon ng pamimili ng mga partido-politikal sa ‘Tate ng kanilang magiging standard bearer kumbaga.

Sa ilang talata sa nasabing babasahin, may ginawang pagsasalawaran din ang may-akda na tila namamatutsada sa mga “conservative” na pulitikong Kano, lalo na sa kilalang “conservative political party” at pati sa “conservative-leaning members” ng partidong pulitikal na “liberal-oriented” at tila may minamanok na isang presidentiable sa sinasabi kong liberal-oriented political party. Kaya ata pati ang spokesperson ng Vatican na si Fr. Lombardi ay hindi nagustuhan ang hilatsa ng titik ng nasabing magasin dahil tila pulos “power-play” o brasuhan at pamumulikita ang binibida na may pagka-kakatuwa na rin dahil mas malaki ang antas ng imahinasyon sa tala kaysa sa pagkamakatotohanan ng nasabing sulatin.

 

Pin It

One thought on “Bakit hindi cool ang Rolling Stones’ cover story tungkol kay Pope

  1. The Reflecting PoGUI February 13, 2014 at 10:06 am - Reply

    Bakit naiba ang pamagat? Nasaan ang kaugnayan ng unang pangungusap na “pamagat ng isang awitin ng bandang Rolling Stones” na tirada ng Reflecting PoGUI bilang pamagat kung ang pamagat ay “Bakit Hindi Cool Ang Rolling Stones’ cover Tungkol kay Pope” na hindi naman pamagat ng isang awitin ng Rolling Stones. Sana tinabas yung pangungusap na iyon kung tinabas din lang ang pamagat na “I Can’t Get No Satisfaction” na isang awitin ng Rolling Stones bilang reaksyon ng Reflecting PoGUI sa Rolling Stone Magazine Cover Story.

    Editor, pakipaliwanag naman po kung bakit? Nakakadismaya bilang may-akda kasi na hindi maayos ang pagkaka-edit, pangalan ko pa man din ang nakalagda.

    Salamat po.

    -The Reflecting PoGUI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>