Paano mo minamahal ang mga magulang mo?

Noong si lola ay nasa kalakasan pa, mayroon siyang isang anak, si Carlos. Mula nang mamatay ang kanyang asawa, si lola Iska na ang nag-iisang nagpalaki sa kanyang anak sa pamamagitan ng pagiging labandera, at paglalako ng sari-saring mga paninda.

New Picture

Iginapang ang mga pangangailangan ng kanyang anak kahit mahirap at madalas siyang magkasakit, hanggang si Carlos ay makatapos ng pag-aaral, at nagkaroon ng matatag na trabaho, at nagka-asawa.

Ngunit si lola Iska padin ang nagsilbing katulong, hanggang sa magkaanak sila ng isang lalaki, ang nagsilbing yaya ay si lola Iska, hindi isang lola.

Dumaan ang panahon, at iginupo ang katawan ni lola Iska ng sakit sa baga, at katandaan, hanggang sa hindi na niya kayang kumilos para sa mga gawaing bahay. Sya’y madalas mahapo, at ubo nang ubo, hanggang pandirihan na si lola Iska ng kanyang anak, at manugang.

Hangang sa binukod ang mga gamit nya sa pagkain, at inilabas si lola Iska, pinatira sa maiit na dampa sa likod bahay na parang alagang hayop na hindi inaasikaso, binibigyan na lang ng pagkain na si lola din ang nagluluto sa kanyang maliit na lutuang kahoy ang gatong.

Lahat ng ginagawa nilang pagtrato sa matanda ay nakikita ng kanilang anak na ngayon ay limang taong gulang na, at minsan tinanong ng bata ang kanyang ama kung bakit pinatira ang kanyang lola sa maliit na dampa sa likod ng bahay, ang sagot ng amang si Carlos:

“Dahil ang lola mo ay wala ng silbi at matanda na, at baka pa tayo mahawa sa kanyang sakit anak, kaya huwag na huwag kang pupunta at lalapit sa lola mo ha! Tandaan mo ‘yan!”

“Opo papa. Kaya, kapag naglalaro ang bata sa labas, at napapagawi sa bandang likuran ng bahay nakikita niyang nakatingin ang kanyang mahal na lola sa kanya na nasa dampa, at tinatawag siya nito, ngunit hindi siya lumalapit dahil sa bilin ng kanyang ama, kaya kumakaway na lamang siya sa kanyang lola Iska, at napapansin niyang umiiyak na lang ang kanyang mahal na lola Iska na nag-aalaga sa kanya noon.

Mahirap para kay lola Iska ang naging kapalaran niya sa kamay ng sarili niyang anak, sa kabila ng pasusumikap, at sakripisyo niyang buhayin ng may pag-iingat at pagmamahal, at magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang anak, na inaasahan niyang magmamahal at mag-aalaga sa kanya sa kanyang katandaan, kaya madalas si lola Iska na nasa isang sulok ng dampa nakaupo at umiiyak na lamang.

Dahil sa labis na hinanakit, at pagdaramdam, lumubha ang kanyang karamdaman, at isang umaga nakita na lamang na siya ay wala ng buhay, at malamig na bangkay, hindi man lamang nabanaag ang lungkot sa mukha ng kanyang anak na si Carlos, at waring nabunutan ng tinik sa pagkamatay ng kanyang inang nagmahal sa kanya, at nag-aruga.

Lumipas ang mga araw pagkatapos ng mabilisang libing, habang nasa hapag kainan ang mag-asawang Carlos, at ang kanilang anak sa kanilang pananghalian, napag-usapan ng nila na gibain na ang dampa na pinaglagyan nila sa kanilang ina, ngunit narinig ito ng kanilang anak, at ito ay hindi pumayag: “Mama! Papa! Huwag po! Huwag ninyong ipagiba!! Nagulat ang mag-asawa sa pasigaw na pagtutol ng kanilang anak: “Anak! Bakit naman ayaw mong ipagiba ang dampa ng iyong lola Iska?!”

ANAK: “Kasi po mama, papa, kapag tumanda na kayo, at mga wala na po kayong ‘silbi’, at kayo ay mga nagkasakit na po, doon ko po din kayo papatirahin o ilalagay, katulad ng ginawa po ninyo kay lola Iska!

New Picture (1)

 

     Joe Mc Kirt is a disc jockey in an online radio station and an OFW.

 

Pin It

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *