Single ka ba sa Valentine’s Day?

Sabi nila, ang February daw ay buwan ng pag-ibig. Actually, hindi pa nga tapos ang January, madami na ang nag a-anticipate ng buwan na ito. ‘Yung iba nag papanic dahil single pa din sila.

(Photo: Lunchtimemama)

(Photo: Lunchtimemama)

Well, kung sa palagay mo e napakamalas mo dahil single ka ngayong buwan na ito at feeling mo walang nagmamahal sa iyo, ito lang ang masasabi ko. TANGA KA. At dahil sa katangahan mo, nagiging manhid ka na.

Tanga ka dahil, ni hindi mo naisip na mahal ka ng nanay at tatay mo. Ni hindi mo naramdaman na mahal ka ng mga kapatid mo at ng mga kaibigan mo. Kung sa palagay mo na ang pag-ibig ay para sa mga may karelasyon, puwes, magisip-isip ka na. Dahil kung tutuusin sa pamilya at kaibigan mo mas madalas na mararanasan ang TUNAY NA PAGMAMAHAL.

Higit sa lahat, sana naman, huwag mong isipin na walang nagmamahal sa iyo. Dahil hindi mo na maiaalis ang katotohanan na matagal na panahon na ang nakakalipas, may isang taong iniwan ang masayang langit, naging taong tulad mo at namatay sa Krus para sa iyo.

Unfair naman sa Kanya, dahil yung Pag-ibig na ibinibigay Niya para sa iyo, hindi maibibigay ng kahit na sino. At kung FOREVER lang talaga ang hinahanap mo, sana ma-realize mo na Siya at tanging Siya lang ang makakapagbigay sa iyo niyan.

 

10847006_1036624496354657_1430964162_n

 

Oggie Cayetano is a youth leader at the San Pablo Apostol Parish, Tondo. He also works as a Technical Support Representative in a BPO company. Oggie is also a volunteer teacher for the Manila       Philharmonic Orchestra (MPO) – Kids.

Pin It

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *