- Youth volunteers engage in some ‘prayerful pollwatching’Posted 9 days ago
- I found the surest way to Jesus!Posted 15 days ago
- Davao youth animators gather for workshopPosted 17 days ago
- More than a thousand individuals consecrated to Mary Mediatrix during pilgrimagePosted 18 days ago
- ‘Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization.’Posted 26 days ago
- Fun run? Why not a ‘runway’ benefit run?Posted 29 days ago
- 9th John Paul II confab focuses on youth as agents of New EvangelizationPosted 29 days ago
- Dominican Youth holds lectures on Year of Faith, leadership trainingPosted 29 days ago
- Listen without judgment, bishop reminds youthPosted 29 days ago
- Novaliches youth organize electoral formationPosted 29 days ago
Kabataang Salesyano, nagsanay tungkol sa midya, realidad ng lipunan
PAMPANGA — Kahit higit na isang siglo na makalipas ang kamatayan ni San Juan Bosco, ang pinamalas niyang pagmamahal ay nagsisilbi paring modelo para sa realidad na hinaharap ng kabataan tulad ng kahirapan, karamdaman at makabagong midya.

Piling mga lider at animator ang dumalo sa SYALA2 upang pag-usapan ang pagiging bayani at pagiging santo. [Photo Credit: Jedd Patrick Warden]
Napakilala sa mga dumalong youth leader at animator ang 7 klase ng pagmamahal at pag-aaruga ni San Juan Bosco kamakailan sa ikalawang SYALA (Salesian Youth Animator and Leaders Assembly.
Dito tinalakay ang pitong paraan kung pano minahal ni Don Bosco ang kabataan:
- pagmamahal para sa mahihirap at inabandonang kabataang lalaki
- pagmamahal para sa mahihirap at inabandonang kabataang babae
- pagmamahal para sa kabataang trabahador
- pagmamahal at apostolade para sa nakapiit sa kulungan
- pagmamahal para sa komunikasyong panlipunan at masmidya
- pagmamahal para sa may sakit
- pagmamahal para sa misyong apostolado
Nag-grupu-grupu ang mga kabataan upang pagusapan ang iba’t-ibang uri ng pagmamahal ni Don Bosco sa nga kabataan at ‘di lingid sa lahat na napapanahon parin ang halimbawa ni Don Bosco, lalung-lalo na sa larangan ng serbisyo at impluwensiya ng masmidya sa kabataan.
Sa ika-5 istasyon, ipinanood sa mga dumalo ang video ng kanta ni Lady Gaga na “Poker Face”. Ipinaguhit sa mga kabataan kung anu-anong bagay sa video ang nakatawag ng kanilang pansin. Karamihan napansin ang senyas sa kamay ni Lady Gaga na ‘666’ ang nakikita sa baraha; ang bahagi kung saan nakikipag talik siya. Nabatid ng karamihan na ito na mismo ang mensahe ng pamagat na ‘Poker Face’, kung aalisin ang ‘r’ sa ‘Poker’, ito ay ‘poke’ o sa salitang-lansangan ng Amerika ay “sex” o “makipagtalik”.

Sa ika-5 istasyon, pinag-usapan din kung paano naiimpluwensiyahan ng masmidya ang kaisipan ng kabataan tulad ng video ni Lady Gaga na “Poker Face” [Photo Credit: hotmediaplayer.com]
Maging ang dalawang aso sa isang swimming pool, kung saan dahan-dahan siyang umaahon ay nag-rerepresenta kay Hesus at San Juan Bautista, ang dalawang asong nagbibinyag.10% ng mensahe ay nasa kanta at ang 90% ay nasa MTV.
Ang buhay ni Fr.Lee Tae-seok SDB, isang Koreanong Salesyano at doctor, ay tinalakay naman sa ika-7 at huling istasyon na tungkol sa “pagmamahal para sa misyong apostolado”. Inialay ni Fr. Lee, isa ding misyonero ang kanyang buhay para sa mga taga-Sudan na kanyang pinaglingkuran.

Tinalakay din ang 7 paraan ng pagmamahal na pinamalas ni Don Bosco sa kanyang buhay. [Photo Credit: Jedd Patrick Warden]
Maraming napaluha sa dokumentaryo na “Don’t Cry for me, Sudan” na tungkol sa buhay niya. Nabigyan na naman ang kabataan ng bagong modelo maaring tularan sa buhay-serbisyo.
Bago magsimula ang SYALA 2 na pinamagatang “Heroes not only…Saints we shall be: Big Time Lover of God and Kapwa”, pinamunuan muna ni Fr. Jerry Santos SDB ang isang misa para sa kulang-kulang 600 na kabataan na naroon sa Mary Help of Christians School, Mabalacat, Pampanga nang nakalipas na Sabado. [Jedd Patrick Warden]












