Langit Lupa Impiyerno: A Morality Play

By on September 19, 2012
Photo Credit: http://static.marcelosantosiii.com

Nung may nag-text sa akin nagtatanong kung pwede akong mag-contribute sa YouthPinoy!, ang sagot ko kagad, “Huwaat?! Hu u?” ‘Yun pala si Nirva, dati kong editor sa aming youth-based religious org newsletter. So sabi ko sige, magbibigay ako ng article.

‘Yun lang, sabi ko sa kanya, humor sinusulat ko. ‘Di ba ako titirahin ng magic staff of righteousness nina Bishop? Hindi naman daw. So okay pa rin.

Kaso, sabi ko sa sarili ko, “Anong pwede kong isulat bilang unang artikulo para sa YP?” Napatulala ako saglit, bago parang tinamaan ng kidlat ang aking utak.

Itinaas ko ang aking mga kamay at sumigaw, sa isang pampublikong lugar, na:

“Gagawa ako ng isang academic at philosophical treatise!”

Nakita ko kasi hitsura ng YP! website. Na-iimagine ko na tuwang-tuwa ang mga manang ng iba’t iba edad, propesyon, at gawain sa buhay sa mga news at blogs dito. Sa aking mapaglarong isipan, lahat sila ay may pusa, at may kakatwang pagka-akit sa pagsusulsi ng mga damit.

So ang titulo ng aking gagawing artikulo ay tungkol sa Role of Religious Symbolism in Modern Filipino Games: A Theological Introspection. Kaya iyun ang ginawa ko.

At ito ang artikulo ko ngayon.

Inabutan n’yo bang mag-laro ng langit, lupa, impiyerno (im… im… impiyerno)?

Ito ay nilalaro ng mga grupo ng kabataan. Pinipili ang taya sa pamamagitan ng pagbuo ng grupo isang maliit na bilog. Isa isang itututuro ng isang manlalaro ang mga kasama paikot habang kumakanta ng:

Langit lupa impiyerno

Im-im impiyerno

Saksak puso tulo ang dugo

Patay buhay

Alis ka na d’yan!

Isa isang maaalis ang mga bata hanggang sa isang manlalaro na lamang ang matitira. Siya ang “demonyo”.

Tatayain ng “demonyo” ang mga bata hanggang sa wala nang matirang manlalaro. O kaya naman hanggang sa makataya ang “demonyo” nang isang manlalarong nakatapak na sa “langit”. Para sa larong ito ang “langit” ay ang magkabilang sidewalk sa kalye, habang ang “impiyerno” naman ay ang mismong daanan.

Photo Credit: http://static.marcelosantosiii.com

 

Alam ko, alam ko, magagalit ang mga gamers sa akin. “Isang larong walang dragon? O spaceship? O tangke? Yak!” Pero pramis masaya s’yang laruin, lalo na pag brownout noong nineties.

Bakit naman ito ang gusto kong isulat? Well, kasi pag nakuha n’yo na ‘yung metaphor, tapos na ang artikulong ito. (Nasa word count na ata ako…)

Ang galing lang na ang konsepto ng isang malaking bahagi ng ating kamalayan bilang Kristiyano ay nakapaloob sa isang larong pambata.

Tayo bilang tao ay lumilibot sa mundo habang hinahabol ng demonyo. Karamihan ay hinahanap ang mga paraan upang makapunta sa langit. Pero ‘di lahat ay magiging matagumpay sa adhikaing ito. May papalya, may matataya, o kaya naman ay mahihila pababa. May nagpupunyagi at makakarating sa langit, at ‘pag hinabol pa sila ng demonyo, kahit nakarating na sila sa langit, boom! Tapos na ang game!

Bakit naman ito ang napili kong paksa para sa una kong article?

Una, isa itong simpleng paraan upang ituro sa kabataan ang konsepto ng langit, lupa at impiyerno, at ang moralidad na nakabalot dito.

Pangalawa, magandang bonding activity rin ito sa youth org niyo, o kahit sa ‘di na masyadong youth ang org basta majority ng manlalaro ay wala pang arthritis.

Pwede ring gawing mas exciting ang larong ito. Halimbawa, gawin ito pagkatapos umakyat ng bundok. O kaya naman humanap nang malawak na lupa tulad ng sakahan (langit ang pilapil at angel ang mga kalabaw) o kaya naman sa outdoor parking lot ng mall (lupa ang parking lot, langit ang mall at contested zones and mga food kiosk sa gilid).

Warning lang po sa mga maglalaro nito. Walang kuwenta ang graphics. Hindi 60 ang frame rate per second, manual controls, hindi portable at ni walang game pad. Wala ring solo mode at item find.

Pero malamang ma-eenjoy nyo ang larong ito, dahil technically, kung hinahanap n’yo ang mga nasa itaas para makapaglaro ng matinong game, malamang kailangan n’yo nang lumabas ng bahay para makatikim ng hangin.

Next time magkita tayong ulit, ibang topic naman ang pagusapan natin. ‘Di ko maisipan ng religious context ang monkey, monkey, annabelle eh!

 

Nathan X

Guest writer: Nathan X

Si Nathan X (hindi nya tunay na pangalan) ay isang tao. Mahilig s’yang magsulat ng kung anu-ano. Kahit na hindi na active, mahilig pa rin s’yang mangulit sa mga kaibigang nakilala n’ya habang nagsisilbi dati sa mga religious orgs.

May email sya, r dot jonathan dot x44 at gmail dot com

Facebook Twitter Email

14 Comments

  1. Rolly Abelon

    September 19, 2012 at 7:33 am

    Natuwa naman ano sa article na ito… biglang bumalik ang mga alaala ko nung bata pa ako… more nathan x!

    • Nirva Delacruz

      September 20, 2012 at 2:15 am

      oh yeah, more coming..

    • Nathan X

      September 21, 2012 at 2:26 am

      Yes po, more to come. I just need to find more creative ways to make fun of my editor. =)

  2. Mark Ian V. Abu

    September 19, 2012 at 8:05 am

    maganda ang artikulo lalo’t higit sa tulad kong namimiss ang mga larong kinalakihan. sa “tagu-taguan-maliwanag ang buwan….” kaya?

    • Nirva Delacruz

      September 20, 2012 at 2:15 am

      possibilities are endless!

  3. Nathan X

    September 19, 2012 at 8:14 am

    Thanks! up na pala to. Nakakamiss talaga, kahit yun nga lang kumain ng chesa o makopa at manood ng ibang manlalaro, nakakamiss. Mahirap atang talunin gadgets ngayon. Buti pa paglalaro sa labas, nakaka-lessen ng fats, Libre pa! =)

    • Nirva Delacruz

      September 20, 2012 at 2:14 am

      di daw masarap ang chesa..*looks at you weird

      • Nathan X

        September 20, 2012 at 2:31 am

        Kaysa naman sa karamay na hilaw! May puno nun sa amin, maasim na mapakla.

    • Guilian Geronimo

      September 20, 2012 at 6:40 am

      aratilis! wahahaha!!!!

      • Nathan X

        September 20, 2012 at 10:25 pm

        Ang aratilis sa amin marami kadalasan sa may sementeryo. Although masarap sya, may feeling ka na lasang lola ang prutas na ito.

        • Guilian Geronimo

          September 24, 2012 at 9:56 am

          parang hindi na ata yummy yun, yucky na ata yun… :p

  4. Jeric

    September 20, 2012 at 5:36 pm

    ang galing naman ng gumawa nito. next article ako naman wait mo lang ate nirva :) ))

  5. Aquarose Roseoflove

    November 9, 2012 at 2:19 am

    kakatuwa nga ang reflection mo, naalala ko tuloy nung kabataan ko rin…

    • Nirva Delacruz

      November 22, 2012 at 11:06 am

      Yup! Nathan is super funny..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>