- Sports fest promotes camaraderie among youth ministersPosted 15 hours ago
- Young people as advocates of environmentPosted 15 hours ago
- Hundred youth join annual parish sports festPosted 15 hours ago
- Antipolo holds sports fest for social growth, youth fellowshipPosted 15 hours ago
- Youth volunteers engage in some ‘prayerful pollwatching’Posted 10 days ago
- I found the surest way to Jesus!Posted 16 days ago
- Davao youth animators gather for workshopPosted 18 days ago
- More than a thousand individuals consecrated to Mary Mediatrix during pilgrimagePosted 19 days ago
- ‘Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization.’Posted 27 days ago
- Fun run? Why not a ‘runway’ benefit run?Posted 30 days ago
Mag-aaral ng UST, mga botanteng handang makialam
MANILA, Setyembre 2, 2012 – Hindi lamang handa o may alam, kundi nakikialam at nakikibahagi – ito ang inaasahang karakter ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) na boboto sa darating na halalan 2013.
Sa forum na “Awaken the Political Tiger in You” ng UST-Apathy Free na ginanap mula Agosto 30 – 31, 2012, daan-daang estudyante ng political science ay nakinig kay PPCRV Chairperson Henrietta de Villa na nagbigay ng pamantayan sa pagpili ng kandidato sa darating na halalan.
Hinamon din ni de Villa ang mga estudyante tungkol sa bakas ng kapabayaan, kawalan ng interes at kamangmangan na humahadlang sa kabataan na maging aktibo at listo sa aspeto ng pulitika, lalong-lalo na sa pagtataguyod ng karapatang bumoto.
Anya, nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ang mga kabataan ay tila hindi na nakikiisa o nagiging bahagi ng lipunan na kanilang ginagalawan.
Winakasan ni de Villa ang kanyang pitak sa pamamagitan ng pagkuwento sa buhay ni Blessed Pedro Calungsod, isang “huwaran sa pananampalataya bilang kabataan.”
Layunin ng forum na sa darating na eleksyon, hindi kasakiman ang manaig kundi ang pagtaya ng karapatang maglagay ng isang lider na talaga namang susundan tulad ng yumaong Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na si Jesse Robredo.
Pinaalalahanan din ni Prof. Edmund Tayag, isang tagapagsuring pulitikal at Tagapagpaganap ng Local Government Development Foundation, na “mayroong magnanakaw kasi may mananakawan, mayroong nanakawan kasi may burara”.
Aniya, dapat maging matalino at mapagmatiyag tayo sa mga bagay na may kinalaman sa atin. Hindi nakadalo sa forum si Komisyunado Rene Sarmiento ng Commission on Elections, subalit nagpadala ito ng kinatawan na nagbigay nang ilang paalala sa mga boboto sa unang pagkakataon, tulad ng pagpaparehistro o pagpapatunay ng kanilang pagkarehistro.
Hinimuk din ang mga dumalo na hikayatin ang iba pang kabataan na magparehistro.
Binigyang-pansin na ang mga PWD o “Persons With Disabilities” ay nakikibahagi at hindi inaalintana ang kanilang mga kapansanan sa pakikilahok sa tungkuling panlipunan tulad ng pagboto.
Dahil alam nila, higit sa lahat, na ito ay responsibilidad sa bayan at ayaw nilang sayangin ang kanilang karapatan bilang mamamayan.
Tinuruan din ang mga dumalo sa forum sa Albertus Magnus Auditorium sa UST kamakailan kung paano gamitin ang PCOS machine na ginamit sa nakaraang halalan. Nagwakas ang palatuntunan na may sigla ang bawat isa para sa 2013. [Gailbert Vito Bosea]














Mark Ian V. Abu
September 2, 2012 at 8:16 am
isang napakagandang gawain ito para sa mga kabataan ng ating bansa. sana ay marami pang mga paaralan ang magsagawa nito hindi lamang upang malaman ng mga kabataan ang dapat gawin sa darating na halalan kundi upang ipahatid din sa kanila ang kanilang pananagutan sa lipunan tungkol sa tama, maayos, mabunga at tapat na pagboto.
YP
September 3, 2012 at 7:14 am
dapat nga..
Gailbert vito bosea
September 4, 2012 at 4:12 am
SALAMAT SA MGA BUMASA!!!