“Nang Aking Pagnilayan ang Awiting ‘Ako Ay May Lobo’”

By on July 31, 2012
“Nang Aking Pagnilayanang Awiting ‘Ako Ay May Lobo’”

Nakausap ko ang aking kinakapatid na kapwa ko naninimbang ukol sa RH Bill na ito. Nauna akong matapos sa paninimbang kesa kay Kuya. Sabi ni Kuya: “Opsiyon lang naman ng pamahalaan ang RH Bill kung magiging batas kasi mas tipid ito kesa sa Social Welfare.” Eh di ito nga ay isang pamamaraan ng maling pagtitipid! Nasambit pa ni Kuya na: “Ka-engengan lang pala talaga ang RH Bill! Kasi kung layon lang ng panukalang-batas na ito na magbawas ng populasyon, eh di talo rin pala ang mga nangungurakot sa kaban ng bayan, saan sila bibili ng boto para manalo?” Sa labis na pagkarimarim, ako’y umawit upang mabawasan ang aking pagkagulumihanan:

“Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Hindi ko na nakita
Pumutok na pala!

Sayang ang pera ko
pambili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako…”

(Photo credit: corbis.com)

Sa hindi sinasadyang biyaya ng pagkakataon, anak ng tatay na asawa ng nanay na anak ng lolo na asawa ng lola! Itong awiting ito pala ay sumasalamin sa mga ipinaglalaban ng mga ayaw sa RH Bill. Pansinin:

“Ako ay may lobo (condom)
Lumipad sa langit (inaliw sa di-kanais-nais na pamamaraan ang sarili)
Di ko na nakita (sapagkat nakalimot ka na sa sarili mo, nasaan ang konsepto ng pananagutan o responsibility na isinusulong bilang susog na “Responsible Parenthood” ng Reproductive Health Bill?)

Pumutok na pala! (Ito ang dahilan ng sinasabing “pagsikip ng bansa natin” nais ang malaking kabulaanan. Subukan kaya nating dayuhin ang mga nayon, ang lawak-lawak ng kaparangan ngunit walang nagtatanim dahil pawing nakisiksik na sa Maynila ang mga magbubukid, na nagiging dahilan ng kawalan ng makakain… wala kasing nagtatanim, kulang sa suporta!)

Sayang ang pera ko
Pambili ng lobo (Ang pondong ilalaan sakaling maging batas na ito’t maging RH Law, sa totoo lang, pera natin dahil ito’y manggagaling sa buwis na ating ibinabayad, kasama ang VAT at Sin Tax)

Sa pagkain sana (Saan ba maaaring ilaan ang pondo? Marami! Tulad nang pagdaragdag sa pondo ng mga pagsasaliksik sa agham at teknolohiya; Sa microfinancing upang sa halip na parami nang parami ang walang pinagkakakitaan bungsod ng kakulangan ng industriya, maisip ng maraming pumasok sa pagnenegosyo; Pandagdag-suporta sa ating mga atleta. Kumusta kaya ang mga Pilipinong kalahok sa Olympics sa Lungsod ng Londres sa Inglaterra?

Pagpapatayo ng mga silid-aralan at pagbili ng mga gamit na makakatulong sa paghubog ng kaisipan ng mga musmos; suportahan ang sining nang ma-engganyo ang masa na maaari itong pagkakitaan. Alam niyo ba na ito rin ang ibig ng Cultural Center of the Philippines, na mawala ang “imaheng-burgis” ng CCP dahil ang sining ay para sa lahat?

Nabusog pa ako! (Ito ang tunay na kaunalaran!)

Tila ba ito’y may sinasabi sa iyo na mula pa noong iyong kamusmusan, ihinahanda na pala tayo sa pagdating ng araw na kailangan nating manimbang at mamimili ng desisyon: kung pagpapasarap nang sandali o pagpupunyagi upang maging maluwalhati ang iyong buhay. [Mr. Guilian C. Geronimo]

Mr. Guilian C. Geronimo, 28, is a freelance writer who writes about ecumenism and inter-religious dialogue. He has written articles for “Città Nuova”, a magazine based in Rome, Italy and for “New City” magazine.

Facebook Twitter Email

26 Comments

  1. Guilian Geronimo

    July 31, 2012 at 7:58 am

    Pardon the typographical error. Nakalimutan ko pong i-switch sa wikang Filipino ang computer ko kaya po nag-auto correct.

    • Nirva Delacruz

      July 31, 2012 at 9:17 am

      no problem! good work

  2. Aleah Penilla

    July 31, 2012 at 10:07 am

    nice article..,i-post ko lang sa facebook ah..,

    • Nirva Delacruz

      August 1, 2012 at 3:35 am

      would be great! thanks, aleah..

    • Guilian Geronimo

      August 1, 2012 at 8:56 am

      Aleah was one of the people whom I had the opportunity to speak with and she told me about the reality of the lack of fund for Scientific Researches.

  3. divinista 2012

    August 1, 2012 at 1:51 am

    salamat sa napakagandang mensahe… share ko po ito sa mga kasama ko… though without your permission yet copy pasted ko po sa group namin…. the whole text with the author…

    • Nirva Delacruz

      August 1, 2012 at 3:35 am

      i don’t think he would mind..basta may name siya. thanks for sharing!

      • Guilian Geronimo

        August 1, 2012 at 8:53 am

        @divinista 2012:

        Thank you very much for re-posting this. :D

  4. Guilian Geronimo

    August 1, 2012 at 8:55 am

    whoever did the visual interpretation that was 1st published at “100% Katolikong Pinoy” facebook group, I am really humbled by it.

    • ricky capistrano

      August 1, 2012 at 11:15 am

      …galing nman, congratz!

      • Guilian Geronimo

        September 20, 2012 at 9:27 am

        sorry po Tito Rick, ngayon ko na lang po nareply-an ito. :)

    • Roi cervania

      August 4, 2012 at 4:07 am

      Mahusay, inilagay ko ang link na ito sa ibat-ibang grupo sa fb kung saan ako kasapi. Naway marami pa ang mahipong damdamin sa iyong patuloy na pagsulat. Good job. Purihin ang panginoon.

      • Nirva Delacruz

        August 4, 2012 at 1:15 pm

        salamat sa iyong suporta, roi!

      • Guilian Geronimo

        September 20, 2012 at 9:32 am

        ipagpaumanhim po na ngayon ko lang po ito nakita ulit. Salamat po nang marami! :)

        • Guilian Geronimo

          September 20, 2012 at 9:34 am

          na-typo pa po ako… hehehe

  5. Luigi Flores

    August 1, 2012 at 4:04 pm

    Tumpak!

  6. gellie ogbac

    August 2, 2012 at 12:18 am

    nice article… sana madame po ang mkbsa upang mmulat cla s ktotohnan llo n ang mga nsa gobyerno..

    • Nirva Delacruz

      August 2, 2012 at 1:33 am

      true, it’s more than meets the eye.

    • Guilian Geronimo

      August 2, 2012 at 9:20 pm

      Siguro naman, itong kaisipang ito’y hindi na ito masasabihang “TMC” o “Too Much Churchy.” :D

  7. ELMER LOPEZ MAXIMO

    August 2, 2012 at 8:22 pm

    What a brilliant article…. I would like to ask permission if I could post this to on my facebook account.

    GOD bless us all :)

    • Nirva Delacruz

      August 3, 2012 at 8:16 am

      yes, that would be great!

      • ELMER LOPEZ MAXIMO

        August 3, 2012 at 2:48 pm

        A million thanks… God bless us all :)

    • Guilian Geronimo

      September 20, 2012 at 9:33 am

      My apologies for the super late reply. But in any case, thank you for reading and sharing! :)

  8. mark anthony matira

    August 3, 2012 at 8:14 am

    kahanga-hanga ang inyong galing sa pag gawa ng lobo, hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at pagtitiwala sa sariling kakayahan. ang pilipino ay likas na masipag at malikhain,subalit hindi ito mapayabong ng husto. nasasadlak tayo sa kaisipang hindi kayang magtagumpay sa sariling pagsisikap dahil sa kahirapan.yakapin ang pag-asa na dala ng bukang liway-way sa ating buhay.kumilos na at huwag ng umasa sa iba. ikaw lamang ang makakapagpalaya sa iyong sarili. at magagawa mo ito g taas ang noo at may pagkarangal sa kakayahan at dignidad bilang pilipino.

  9. Dulce Joy

    August 6, 2012 at 11:11 pm

    ..nice one po..pcopy po ipostkopo sa fb..

    • Nirva Delacruz

      August 9, 2012 at 5:00 am

      ok..no problem!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>