Thursday September 09 , 2010

YouthPinoy is a joint project of the CATHOLIC BISHOPS' CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP) Episcopal Commission on Youth and Office on Mass Media.

YP Statements

Mga Sana ng SONA

 

(A Youthpinoy statement to the SONA of Pres Benigno "Noynoy" Aquino)

July 27, 2010

Mayroon ding mga Pilipinong hindi sumuporta kay P-Noy noon nakaraan eleksyon. Tulad din ng iba, iniisip nila na sa halos dalawang dekada niya sa politika, wala talaga siyang pinakitang solidong kredensyal upang angkinin ang pinaka mataas na puwesto sa pamahalaan. Ngunit sa pagkakataong ito kaisa ako sa napakaraming kabataang Pilipino na gustong yumakap sa pag-asang ipinangako ng kauna-unahan niyang SONA. Maraming kulang sa sangkap, ngunit dama namin ang matinding hangarin nito sa pagtuwid sa napakaraming daang binaluktot ng pinagsama-samang administrasyong kumain at nagpakain sa korupsyon.

Sana sapat ang mataas na trust ratings upang makapagbuklod ka ng bayan sa gitna ng watak-watak nating ideolohiya, personal na interes at opinyon ukol sa gagawin mong pamamahala,

  • Sana sapat din ang political will mo upang hindi lamang buuin kundi itaguyod hanggang sa huli ang pinabuo ng truth commission, sapat upang banggain ang mga taong tatamaan ng katotohanan sa mga imbestigasyon nito, kamag-anak man, kaibigan o kaalyado sa pulitika.
  • Sana may iba pang paraan upang maiayos ang sistema ng edukasyon maliban sa pagpapahaba nito, dagdag gastusin na naman kasi ito sa maraming nahihirapanng makapag-aral dahil nga sa kawalan ng pantustos. Hindi sapat ang subsidy lamang na ibinibigay ng GASTPE. Libreng edukasyon na may kalidad at nagtuturo ng tamang moralidad ang kailangan ng bawat kabataang Pilipino.
  • Sana maging balanse ang kooperasyon ng gobyerno at pribadong sektor, at hindi mauwi lamang sa privatization ng ating mga GOCCs sa programa mong Public-Private Partnerships. Baka magising na lang kami isang araw na pag-aari na ng mga kapitalista ang bansa natin.
  • Naging tahimik man ang SONA mo sa isyung ito, sana hindi mo na ituloy pa ang pagsusulong ng Reproductive Health Bill. Alam naming isa ito sa pangunahing programa ng mga kasamahan mo sa partido. Pero mas maniniwala siguro kami sa pagiging maka-Diyos mo kung makikipag diyalogo ka muna sa Simbahan bago isulong ang mga programang may kinalaman dito. Hindi ito ang sagot sa problema, maaring ito ay pagkurba upang mapabilis ang solusyon sa problema ng populasyon; ngunit ito ang mabilis at -- delikadong daan.

Sana sapat ang pananalig at takot mo sa Diyos upang panindigan ang ipinangako mong pag-akay sa sambayanan sa daang matuwid. Ibinoto ka man namin o hindi, bilang isang nagkakaisang sambayanan na nauuhaw sa bagong gobyerno at politika sa mahal nating Pilipinas -- hindi kami bibitiw sa mga pangarap na iyong ipinangako. Magdarasal pa kaming lalo na maging susi ka sa inaasam na pagbabago. At handa ring makiisa sa tawag mong pagsasakripisyo. Pero katulad ng dati, matiyaga kaming magmamatyag.

 

Sana huwag mo kaming bibiguin.

 

 

EILLEEN ESTEBAN

YouthPinoy President

 

YP on the Commemoration of the Day of the Unborn: Pray for lives denied

Today, we remember life given and life denied. Like in other countries, March 25 is the most fitting to remember the unborn in time for the Feast of the Annunciation and the Incarnation of Jesus in the Virgin Mary’s womb.

Read more

   

YP on Valentines Day: NO to Distribution of Condoms

Today is Valentine's Day. A time to celebrate love and to show love to one another. But, as with many other Holidays, it is being tainted by the plans of anti-lifers.