- Youth volunteers engage in some ‘prayerful pollwatching’Posted 8 days ago
- I found the surest way to Jesus!Posted 14 days ago
- Davao youth animators gather for workshopPosted 17 days ago
- More than a thousand individuals consecrated to Mary Mediatrix during pilgrimagePosted 17 days ago
- ‘Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization.’Posted 25 days ago
- Fun run? Why not a ‘runway’ benefit run?Posted 28 days ago
- 9th John Paul II confab focuses on youth as agents of New EvangelizationPosted 28 days ago
- Dominican Youth holds lectures on Year of Faith, leadership trainingPosted 28 days ago
- Listen without judgment, bishop reminds youthPosted 28 days ago
- Novaliches youth organize electoral formationPosted 28 days ago
Wanted: Writer
Kinausap ko si Nirva, nag presenta akong magsulat ng isang advertorial upang makakuha ang youth pinoy ng mga bagong contributing writers.
Sagot nya, habang nagpupungas-pungas galing sa isa na namang write-a-thon ay, “Wait… what?”
“You know…sabi ko, “YouthPinoy! will definitely benefit from an influx of new contributors to ensure that we continue to provide the multiple voices of the religious pinoy youth online that is expected from us.”
“Oks,” sabi n’ya habang inuubos n’ya ang kanyang pang-apat na kape (pang-apat, sapagkat asin ata ang nailagay nya sa ikalawang tasa, at dalawang tasang ininom nya pagkatapos nun ay para sa “safety”.)
Ibig ko lang naman sabihin, kailangan ng YP! ng mas maraming regular at guest writers para maipakita ang iba’t ibang boses ng kabataang Pinoy.
Also para di na ‘ko masyadong kinukulit ni Nirva sa mga artikulo ko. Kahit noon pa man, naniniwala akong pagdating sa pagsusulat at iba pang uri ng mga talentong tinatawag nating creatives, maraming talent, ‘di lang nata-tap. Hindi lang din alam ng mga tao na may mga oportunidad na ganito sa mga relihiyosong grupo.
Kaya naman ang tanong ko sa inyo, gusto n’yo bang maging volunteer writer para sa YouthPinoy?
Sigurado kayo? Walang bayad ‘to.
Sa tatlong taong natira pgkatapos kong sabihin ang huli kong linya; maari po lamang magsumite ng isang artikulo na tungkol sa kahit anung bahagi na tungkol sa pagiging kabataan Pinoy youth (para sa website na ito, ang konsepto ng youth ay hanggang edad 39.)
Basahin bilang halimbawa ang mga akda ng dalawang regular na bloggers, ako at si Gui:
“Buhay Newsletter” o “Beautiful Dying”
Kaya naman mas gusto naming makakita ng mga interesanteng mga akda. Halimbawa ano ang pakiramdam ng pagiging batang ama, ano ang adjustment sa buhay sa labas ng kolehiyo, unang pag-ibig, unang pagkadismaya… Sabihin n’yo sa amin lahat.
Ang mapiling mga artikulo ay mailalathala sa YP! website, s’yempre naman. Again, walang bayad, pero may points kayo papuntang langit.
Mga ilang paalala:- Ang mga akdang nailimbag na sa iba pang website ay maari ring ipasa, ngunit kailangang ibigay kung saan ito nailathala at baka kailangang humingi ng permiso sa mga naglathala nito.
- Mas maganda kung ang mga artikulong isusubmit ay ang pagkakaroon ng insight, o pagbigay ng sariling pananaw sa mundong ating ginagalawan na kapupulutan ng aral ng mambabasa. Mas importante pa ito sa grammar. Ang grammar ay naituturo, ang insight ay nahuhubog.
- Kung hangga’t maari, ang mga artikulo ay ‘di dapat lalampas sa 600 na salita.
- Maari poing mag email sa ypopportunities@gmail.com at mangyaring hintayin ang aming sagot.
Iintain ko ang mga akda ninyo. Para may iba naman akong mapagtripan.
Puro si Nirva na lang eh!














Nathan X
September 28, 2012 at 6:30 am
Nakalimutan ilagay pangalan ko dito. Di ba alam ni Nirva na walang epekto ang kape lagpas sa unang kinonsumong gallon?
JEric San Antonio
October 1, 2012 at 5:35 pm
nakakasawa na bang lagi si ate nirva ang nakalagay? okay naman po ung mga gawa nya ah. un nga lang sya lagi ang may ginagawa at laging updated
)
Nathan X
October 2, 2012 at 1:19 am
I need a straight (wo)man to fixate on. She reads my articles, she can take it. Kelan ka magkokontribute? I’d really like to read your future articles. =)
Guilian Geronimo
October 3, 2012 at 8:02 am
hear hear! kelan ka maglalagay dito Jeck? ine-edit na yung susunod kong paglabas dito…
Nirva Delacruz
November 22, 2012 at 11:09 am
In short, pass na your articles, Jeric! hahah..
Guilian Geronimo
October 19, 2012 at 7:37 am
bakit nga ba kami na lang lagi ni Nathan X ang pinagti-tripan ni Nirva? Jeck… join us!